top of page
Search

UP Diliman: Tahanan ng ilan sa mga Yamang Arkitektural ng Pilipinas

  • Writer: Amang Makyo Architects
    Amang Makyo Architects
  • Jan 1, 2021
  • 1 min read

Marahil marami sa atin na alam lamang ang UP(University of the Philippines) Diliman bilang isang paaralan, ang pangunahing campus ng pambansang pamantasan ng ating bansa. Isang lugar kung saan makakalanghap ka ng sariwang hangin, lugar kung saan ikaw ay ligtas na makakapag-ehersisyo. Lugar kung saan malayang nakakapagtitipon ang mga tao. At para sa mga kabataan, lugar kung saan mapapanood ang UP Fair tuwing buwan ng Pebrero.


Ngunit ito ay lugar din ng ilan sa mga yamang arkitektural ng bansa. Ang una’ng gusali na sasalubong sa iyo pagpasok mo sa University Avenue ng campus ay ang Quezon Hall. Ito ay isa sa apat na gusali na unang naitayo sa naturang Campus, kabilang ang Melchor Hall, Palma Hall at Gonzales Hall noong 1950. Ang Quezon Hall ay idinisenyo ng unang National Artist for Architecture na si Juan Nakpil. Idinisenyo sa istilong neoclassical at kilala sa engrande nitong scale upang makilala bilang isa mga pangunahing gusali ng campus. Ipinapakita ng gusaling ito ang kapangyarihan na nasa edukasyon na iyong mararamdaman sa tindig at disenyo nito.



Ang ilan pa sa mga Yamang Arkitektural ng UP Diliman ay mababasa sa mga susunod na Blog.

 
 
 

Comments


Post: Blog2_Post

©2020 by Amang Makyo Architects. Proudly created with Wix.com

bottom of page